Biyernes, Marso 1, 2013

Benepisyo para sa mga Magsasaka

Benepisyo para sa mga Magsasaka
03/01/13| Social Studies

Umabot sa 6,212 magsasaka ang kasama sa pinal na listahan na benepisyaryo sa lupain ng Hacienda Luisita ang ipinalabas ng Department of Agrarian Reform sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reform (CARPER).




Ayon kay DAR Secretary Virgilio Delos Reyes, ang pangalan ng mga benepisyaryo ay nakalista sa ipinakalat na mga tarpaulin sa 10 barangay sa Hacienda Luisita na sakop ng mga bayan ng Capas, La Paz at Concepcion sa Tarlac.


Ang naturang pinal na listahan ay ipinalabas base sa direktiba ng Korte Suprema na ang mga kuwalipikado ay dating magsasaka ng Hacienda Luisita Tarlac Development Corporation (TADECO).
Nabatid na sumailalim sa beneripikasyon ang mga benepisyaryo bago isinumite ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa Korte Suprema ang 6,296 pangalan ng mga magsasaka na lumahok sa 1989 stock distribution proceeding.

Inihayag din sa nasabing petsa ang provisional list ng benepisyaryo na naglalaman ng 1,218 karagdagang magsasaka na kailangan isinumite matapos maberipika na sila ay manggagawa sa Hacienda Luisita noong 1989.

Nagbigay ng palugit hanggang Dec. 1,2012 para maghain ng petisyon para sa exclusion ang mga nasa provisional list at pinagsumite ng katibayan na sila ay trabahador sa hacienda noong 1989. – Jun Fabon






REAKSYON:

By: Diane Seale



Ang benepisyo na ibibigay sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita, ay isang napakahalagang bagay. Dahil ito'y matagal ng ninanais ng ating mga magsasaka. Mapagkakalooban na nila ang kanilang pamilya ng maayos na buhay, maliit o malaki mang bagay. 

Ang benepisyong ito'y marapat na aprubahan at ipagkaloob sa mga magsasaka na naghihirap para sa kanilang pamilya maging sa kanilang bayan. Dahil sila ang pinaka bumubuo sa sektor ng Agrikultura. 








2 komento: